Monday, September 1, 2014

OPEN24/7: STORY AND STRUCTURE



Story and Structure
From Ricky Lee’s book “Trip to Quiapo”
 
Before you write a Storyline there are questions that really help.

 “Kanino ba ang istorya? What is her problem? What he wanted? Is he aware about it? What is her action? How did others react to his problem? What solution that he thought? What is wrong with her? What happened to his problem eventually? What changes happened to him? What the story is all about?” here's the questions of Ricky Lee in his book Trip to Quiapo

Step 1: Sentence Outline
And sentence outline ay isang de-numerong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa istorya. Hindi mga description, hindi mga iniisip ng mga characters, kundi mga eksena. Kagaya ng speed writing, gagawin mo ito nang wala munang kinu-correct o sinesensor. Basta pabayaan mo lang tumakbo ang mga pangyayari
“Mag-isip ka ngayon kung paano tatakbo ang istorya”

Step 2: Background Story
Usually there are two levels of story
First is, all about the main characters and in her outer motivation
Ito ang foreground story: Nagri-rely ito sa physical line ng kwento. Naririto ang excitement and action.
Second is, background story, ay naka-focus sa inner motivation ng character. Ang background story ay nagri-rely heavily sa relasyon ng mga characters sa isa’t, at ng bida sa sarili nya.isa 
 
Step 3: Using the Sentence Outline
Parang X-ray ang sentence outline. Masusuri mo na agad ang skeleton ng buong katawan sa isang tingin.
Makikita mo agad kung masyadao nang lumiliko ang kuwento. O kaya may mga eksenang umuuli, o kaya dapat na magkatabi dahil parehong eksenang malaki. O kung may dapat tanggaling eksena, o dapat idagdag

Step 4: Rewriting
 Ang material gaano man kaganda ay dapat na tinatrabaho. Ini-imagine at isinusulat nang paulit-ulit para mabawasan ang mga taba, at mapatatag ang mga buto
Mas maaga mong nakikitang hindi ka pa mahusay, mas maaga kang huhusay. Ang unang hakbang sa pagiging mahusay ay ang tanggapin mong hindi ka pa mahusay. Kung hindi’y ano pa ang ihuhusay mo?
 
Step 5: Evaluate to others
Para kang asong may bagong panganak na mga tutang ideya, ayaw mong palapitin maski sino. Pero makakatulong din nang malaki ang pagpapabasa sa iba.
Kung alam mong may kulang sa sinulat mo pero di mo alam kung paano reremedyuhan, mag-imbita ka ng mga kaibigan at magdamagan mag-jamming. Mag-brainpick ka.
Para handa ka nang sumuong sa larangan ng pagri-revise.

Step 6: Evaluating the Storyline
Sa pag- evaluate ng storyline, tandaang framework lang ito, hindi pa tapos na trabaho kaya siguradong maraming kulang
Isang dapat tandaan – ginagamit natin ang mga tanong na ito bilang checklist kapag tapos ka nang magsulat. Kinakalimutan mo lahat nang ito pag magsusulat ka
Pwede mong i-evaluate mag-isa ang istorya, o pwede kang humingi ng tulong sa mga kaibigan at katrabaho mo. Malaking tulong ang may kabatuhan ka.
Sa huli ay ikaw lamng ang nakakaalam kung ano ang magwu-work at ano ang hindi dahil ikaw lang ang may overview ng gusto mong gawin

No comments:

Post a Comment